Z P Araling Panlipunan

Transcription

Republic of the PhilippinesDepartment of EducationRegional Office IX, Zamboanga Peninsula8Zest for ProgressZ Peal ofartnershipAraling PanlipunanIkalawang Markahan – Modyul 4Ang Klasikong Kabihasnan sa Africa; Songhai,Mali at Ghana at Ang Mga Pulo sa PacificName of Learner:Grade & Section:Name of School:

Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat:Lelineth B. TumaponEditor:Florence S. GallemitMa.Vilma E. MahinayJulito H. AbneTagasuri:Lindo O. Adasa Jr.Florence S. GallemitDr. Jephone YorongTagaguhit/Tagakuha ng Larawan:Tagalapat:Peter Alavanza, Name of layout artistTagapamahala:Dr. Ella Grace M. TagupaDr. Jephone P. YorongFlorence S. GallemitLeah B. Acoymo

AlaminSa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,kakayahan at pag-unawa:Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa Africa; Songhai,Mali at Ghana at Mga Pulo sa Pacific.Mga Layunin:1. Nasusuri ang mga pangyayari sa pag-usbong at pag-unlad ngklasikong kabihasnan ng Africa; ang Songhai, Mali at Ghana.2. Natatalakay ang katangian ng mga pulo sa pacific; Polynesia, Micronesia,at Melanesia.BalikanBago natin simulan ang bagong aralin, sagutin muna ang sumusunod na mgatanong.Bilgan ang titik ng tamang sagot .1. Alin sa sumusunod na mga kabihasnan sa Mesoamerica ang namayanisa Yucatan Peninsula?A. MayaC. AztecB. IncaD. Olmec2. Ano ang tawag sa nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ayhindi tukoy?A. OlmecC. AztecB. IncaD. Maya3. Sino sa mga sumusunod na pinuno ng kabihasnang Inca ang nagtatag nglipunang may isang sentralisadong estado.A. PachakutiC. Manco CapacB. Topa YupanquiD. Huayna Capac4. Ano ang kahulugan ng salitang Inca?A. TeritoryoC. KabihasnanB. ImperyoD. Kaharian5. Ano ang tawag sa artipisyal na pulo na nilikha ng mga Aztec upangmadagdagan ang lupaing pagtataniman?A. IslaC. Floating islandB. BurolD. Floating gardenAralin1Ang Klasikong Kabihasnan sa Africa; Songhai,Mali at Ghana at mga Pulo sa PacificTuklasin

Ang Imperyong GhanaAng Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakasna estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara.Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba-ibang produkto tulad ivory, ostrich, feather,ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatangyari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila. Malayang nakapagtatanim ang mga taodulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat napagkain ay isang dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upangpunan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.Ipinagpautos ni Haring Al-Bakri na ibigay sa kaniya ang mga butil ng ginto at tanging mgagold dust ang pinayagang ipagbili sa kalakalan kaya nanatili ang mataas na halaga ng ginto.Ang Imperyong MaliAng Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa samahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihanng Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali aylumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungongTimbuktu, at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Noongmamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan.Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nangmamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sapagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, atGoa ay naging bahagi ng Imperyong Mali. Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantogdin si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mgamosque o pook-dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mgaiskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenneay naging sentro ng karunungan at pananampalataya.Ang Imperyong SonghaiSimula pa noong ika-walong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berberna taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan, dalarin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi,hari ng mga Songhai, ang Islam. Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng ImperyongMali. Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ni Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim niHaring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyangpaghahari, pinalawak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyangNiger hanggang Djenne. Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na angkaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda atmagsasaka.Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan dahilsa kalakalan. Pangunahing produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng mga African na mayamansa ginto at ng mga African na mayaman sa asin. Sa panahong ito, ginagamit ng mga African ang ginto upang ipambili ng asin. Ginagamit ng mga African ang asin upangmapreserba ang kanilang mga pagkain.Ang Mga Pulo sa PacificAng mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat- angPolynesia, Micronesia at Melanesia. Ang POLYNESIA ay maraming isla; poly (marami), nesia (isla).Ang MICRONESIA naman ay maliliit na mga isla; micro (maliit), nesia (isla), samantalang angMELANESIA ay maiitim ang mga tao dito; mela (maitim), nesia (isla).

Mapa ng mga Pulo sa PacificAng POLYNESIA ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasasilangan ng Melanesia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupainng Melanesia at Micronesia. Ito ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallisat Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia,Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn. Ang pangunahing kabuhayanng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda. Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam,o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog. Sa pangingisda naman nakakuha ng tuna, hipon,octupos, pating at iba pa. Sila ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana. Ang katagangmana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas”. Sa sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaringnasa gusali, bato, Bangka, at iba pang bagay.Ang MICRONESIA ay maliliit na pulo na matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silanganng Asya. Ito ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islandso Kiribati at Nauru. Ang sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa lawa o dagatdagatan. Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim sila ng taro,breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaring gawing harina.Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. Malimit din ang kalakalan ngmagkakaratig-pulo. Animismo ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang ritwal ayisinasagawa sa pamamagitan ng pag-aalay ng unang ani.Ang MELANESIA ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito aybinubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Giunea, Solomon Islands, Vanuatu,New Caledonia, at Fiji Islands. Ang sinaunang pamayanan ditto ay maaaring nasa baybayingdagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan angpangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Taro at yam ang pangunahing sinasaka saMelanesia. Nagtatanim din sila ng pandan at sago palm. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy atpangangaso ang iba pang kabuhayan. Naniniwala rin sa animismo ang mga sinaunangMelanesian.SuriinSagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa espasyo na inilaan.1. AnoangGhana?naging2. Paano ong

3. Bakit naging tanyag si Mansa Musa sa Imperyong Mali?4. Paano napalawak ni Sunni Ali ang Imperyong Songhai?5. Ano Ghana,Mali6. Gaano kahalaga ang asin at ginto ng imperyong Ghana, Mali at Songhai?7. Saan matatagpuan ang Polynesia?8.Ano-ano ang mga lugar o bansa na nasasakop ng Micronesia?9.Ano-ano ang pangunahing kabuhayan ng mga Melanesian?10.Sa anong aspeto nagkakatulad ang Polynesia, Micronesia at Melanesia?PagyamaninThree Words in One: Panuto: Tukuyin kung sa anong imperyo ng Aprika nabibilang angmga lugar, tao o bagay na tinutukoy sa bawat bilang.Isulat ang sagot sa bakanteng kahon.1.2.Trans-SaharaIvory, ostrichNiger RiverDia KossoiKanlurang AfricaGao at Timbuktuat

3.Sundiata KeitaSenegal RiverSahara Desert4.Mansa MusaWalata. DjenneKanlurang SudanHula , Hoop!Panuto: Alamin kung ano ang hinihiling ng mga pahayag sa bawatbilang. Mamili ng sagot mula sa mga salitang nakasulat samalaking hula hoop. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlangbago ang bilang.A. ManaD. Sankore MosqueB. GintoE. MelanesiaC. MicronesiaF. Animismo5. Ginagamit ito ng mga African upang ipambili ng asin.6. Ito ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1935.7. Ang pulo sa pacific na matatagpuan sa hilaga at silangang baybayin baybaydagat.8. Tumutukoy sa banal na kapangyarihan na nangangahulugang bisa o lakas.9. Nasasakop ng islang ito ang Caroline Islands, Marianas Islands at Kiribati.10. Ang sinaunang relihiyon ng mga Melanesian at Micronesian.GawainGawain 1: HISTORY MAKERSPanuto: Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong mga napag-aralantungkol sa mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa.

PINUNOIMPERYONGPINAMUNUANMAHALAGANG NAGAWAAl-BakriSundiata KeitaMansa MusaDia KossoiSunni AliGawain 2: Data Retrieval ChartPanuto: Punan ng mga kinakailangang impormasyon ang talahanayan.ISLAKAHULUGAN anesiaRUBRIC sa Pagmamarka ng History Maker at Data Retrieval ad ang tamang kaalaman tungkol sapaksa.KalinisanMalinaw at malinis ang gawain.105Kabuuan15

IsaisipGawain: FACTS OR VIEWSPanuto: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang FACT o VIEW.Isulat sa patlang bago ang bilang ang salitang FACT kung angpahayag ay katotohanan, at isulat ang VIEW kung ang pahayag ayopinyon.1. Sa imperyong Ghana, Malayang nakapagtatanim ang mga taodulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan.2. Naging isang malaking imperyo ang Songhai bunga ng pagdatingng mga Berber na nakikipagkalakalan sa Niger River.3. Ang imperyong Ghana, Mali at Songhai ay naging makapangyarihan dahil sa kalakalan.4. Sa mga African, mas malaki ang halaga ng asin kaysa ginto.5. Sa imperyong Mali, si Mansa Musa ay kilala hindi lamang dahil sa pagpapalawak nitong imperyo, kundi dahil sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan.6. Ang Polynesia ay isa sa mga pulo sa pacific na binubuo ng maraming isla kaya masnaimpluwensiyahan nito ang iba pang isla.7. Naging pangunahing kabuhayan ng mga pulo sa pacific ang pangingisda at pagsasaka.8. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanesia at Micronesia.9. Dahil malapit sa mga lawa o dagat-dagatan ang sinaunang pamayanan ng Micronesia,kaya madali lang sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan.10. Ang salitang Melanesia ay nangangahulugang mela o maitim at nesia o isla. Tinawagitong maitim dahil ang mga isla dito ay may maiitim na dalampasigan.TayahinPanuto: Basahing mabuti ang bawat aytem o tanong. Bilugan ang titik ng iyong tamang sagot.1. Alin sa mga sumusunod na pinuno ng mga imperyo sa Africa ang naging tanyagdahil sa pagpapahalagang ibinigay sa karunungan?A. Mansa MusaC. Sunni AliB. Sundiata KeitaD. Dia Kossoi2. Ano ang pangkat ng tao ang nakikipagkalakalan sa Songhai na nagdadala rin ngpananampalatayang Islam?A. BarbaroC. MuslimB. BerberD. Hindu3. Paano naging makapangyarihan ang imperyong Ghana, Mali at Songhai?A. Dahil sa pagsasakaC. Dahil sa kalakalanB. Dahil sa pangangasoD. Dahil sa paggawa ng palayok4. Ano ang pangunahing produkto ng mga imperyo sa Africa?A. AsinC. KarneB. AsukalD. Ginto5. Paano ginamit ng mga African ang ginto?A. Pambili ng asinC. Palamuti sa katawanB. Pambili ng asukalD. Pambili ng iba pang produkto6. Ano ang kahulugan ng salitang Micronesia?A. Maraming islaC. Maitim na islaB. Maliit na islaD. Maitim ang mga tao

7. Alin sa mga sumusunod na mga pulo sa pacific ang matatagpuan sa hilaga ng Melanesia atsilangan ng Asya?A. PolynesiaC. Pacific OceanB. MelanesiaD. Micronesia8. Alin sa mga sumusunod na mga isla o lugar ang nabibilang sa Melanesia?A. Marianas IslandsC. Papua New GuineaB. Cook IslandsD. New Zealand9. Ano ang relihiyon na pinaniniwalaan ng mga Micronesian?A. AnimismoC. BuddhismoB. HinduismoD. Mana10. Alin sa mga sumusunod nagkakatulad ang tatalong pulo sa pacific?A. RelihiyonC. PaniniwalaB. KabuhayanD. KaalamKaragdagang GawainMamili ng isa mula sa dalawang pagpipilian at gawin ang hinihiling.A.) Bumuo ng isang SAKNONG ng Tula na binubuo ng apat na TALUDTODtungkol sa Kabihasnang Ghana, Mali at Songhai.B.) Sumulat ng isang TALATA sa mga bagay na inyong natutunan mula sa MgaPulo sa Pacific.RUBRIC sa Pagmamarka ng GawainPamantayanKabuuan ngGawainSukat at TugmaDiskripsiyonPuntosNaglalaman ng tukmang kaalaman kaugnaysa paksa. May malalim at makahulugan angkabuuan ng gawain10Gumamit ng mahusay at angkop na salita,sukat at tugma10Kabuuan20

Susi sa PagwawastoBALIKANPAGYAMANINISAISIPTAYAHIN1. A1. Ghana1. FACT1. A6. B2. C2. Songhai2. VIEW2. B7. D3. A3. Mali3. FACT3. C8. C4. B4. Mali4. VIEW4. D 9. A5. D5. B5. FACT6. D6. VIEW7. E7. FACT8. A8. FACT9. C9. FACT10. F10. VIEW5. A10. BSanggunian:Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 8 (Kasaysayan ng Daigdig)Mga Manunulat - Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C.Manalo, at Kalenna Lorena S. Asis

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden LandHere the trees and flowers bloomHere the breezes gently Blow,Here the birds sing Merrily,The liberty forever Stays,Here the Badjaos roam the seasHere the Samals live in peaceHere the Tausogs thrive so freeWith the Yakans in unityGallant men And Ladies fairLinger with love and careGolden beams of sunrise and sunsetAre visions you’ll never forgetOh! That’s Region IXHardworking people Abound,Every valleys and DaleZamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,Ilongos,All of them are proud and trueRegion IX our Eden LandRegion IXOur.Eden.Land.The Footprints PrayerTreesby Joyce KilmerOne night I had a dream. I dreamed I think that I shall never seethat I was walking along the beach A poem lovely as a tree.with the LORD.A tree whose hungry mouth is prestIn the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowingof footprints – one belong to me and breast;the other to the LORD.A tree that looks at God all day,Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;noticed only one set of footprints.A tree that may in Summer wear“And I ask the LORD. Why? Why?A nest of robins in her hair;Why did you leave me when I am sadand helpless?”Upon whose bosom snow has lain;And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.son, I have never left you. There wasonly one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,sand, because it was then that I But only God can make a tree.CARRIED YOU!1

mga lugar, tao o bagay na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa bakanteng kahon. 1. Niger River 2. Trans-Sahara Ivory, ostrich Kanlurang Africa Dia Kossoi Gao at Timbuktu . 3. 4. Hula , Hoop! Panuto: Alamin kung ano ang hinihiling ng mga pahayag sa bawat