Ikalawang Markahan- Modyul 7: POSITIBO AT NEGATIBONG .

Transcription

Republic of the PhilippinesDepartment of EducationRegional Office IX, Zamboanga Peninsula10Zest for ProgressZ Peal ofartnershipAraling PanlipunanIkalawang Markahan- Modyul 7:POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTONG GLOBALISASYONName of Learner:Grade & Section:Name of School:

Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat:Sherie AguilorEditor:Florence S. GallemitTagasuri:Lindo O. Adasa Jr.Florence S. GallemitDr. Jephone YorongTagaguhit/Tagakuha ng Larawan:Tagalapat:Peter AlavanzaTagapamahala:Dr. Ella Grace M. TagupaDr. Jephone P. YorongFlorence S. Gallemit

AlaminIsa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sabuhay ng tao ay ang globalisasyon. Isa sa mga pangyayaring lubusangnakapagpabago sa buhay ng tao ay ang globalisasyon. Mula paggising,pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainanay mababanaag ang manipestasyong ito.Ang Globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy opaggalaw ng tao, bagay impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyonna nararanasan sa iba’t-ibang panig ng daigdig.Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang pakikipagugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing pampolitika, pangekonomiya, panlipunan, panteknolohiya at pangkultural. Bagamatnapakalaki at napakalawak ng daigdig, nagiging mabilis ang pag-uugnay ngiba’t ibang tao sa iba’t ibang dako nito dahil sa globalisasyon. Dahil saglobalisasyon, lumalawak ang mga pandaigdigang ugnayan. Bunsod ngglobalisasyon, madaling nakapupunta sa iba’t ibang bahagi ng daigdig angmga tao, ideya, kaalaman at mga produkto.Ang modyul na ito ay hinati sa dalawa: Unang bahagi ay angmaihayag ang saloobin tungkol sa positibo at negatibong epekto ngglobalisasyon at ang Ikalawang bahagi ay ang maihayag ang saloobin saepekto ng globalisasyon sa mga isyu sa paggawa at migrasyon.Pagkatapos mabasa at maisagawa ang mga gawain sa unangmodyul na ito, ikaw ay inaasahang : ektoA. Natatalakay ang mga saloobin tungkol sa positibo at negatibongepekto ng globalissyon.BalikanIto ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnayang kasalukuyang aralin sa naunang paksang natalakay na.PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pagbabagong lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sakasalukuyan?A. GlobalisasyonC. EkonomiyaB. MigrasyonD. Paggawa2 . Ano ang kahulugan ng globalisasyon?A. Proseso ng pagdaloy o paggalw ng mga tao, bagay,impormasyon atprodukto sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.B. Malawakang pagbabago sa Sistema ng pamamahala sa buong mundoC. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa Sistemang pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo.D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political atekonomikal ng mga bansa sa mundo.3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa.Ano ito?A. EkonomikalB. TeknolohikalC. Sosyo-kulturalD. Sikolohikal4. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisayon?A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng mga“perennial “ na institusyon na matagal ng naitatagB.Patuloy na pababago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayanC. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikalat pulitikalna aspektoD. Naapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit napinaunlad ang mga malalaking industriya.5.Paano nakapagpabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansaB. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumugon ang mga bansa sa mga bantang kapinsalaanC. Dahil sa globalisasyon, nagkakaroon ng mabilis na palitan ngimpormasyon at kolaborasyon ang mga bansaD. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sadaigdig.MODYUL7POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTONG GLOBALISASYON

TuklasinPANUTO: Isulat sa sagutang papel ang pagpapaliwanag sa sumusunod:1. Ang COVID 19 ay pandemyang kumikitil sa milyon-milyong buhay ngmga tao sa daigdig, ano ang naging epekto nito sa globalisasyon?2. Nakatutulong ba ang globalisasyon sa mahihirap na bansa tulad ngPilipinas?3. Ano ang papel na ginagampanan ng samahan ng United Nations sapagsulong ng globalisasyon?4. Sa iyong palagay, ano ang pinakamabigat na probemang dulot ngglobalisasyon?5. Paano malulutas ang problemang dulot ng globalisasyon?SuriinPANUTO: Suriin ang nilalaman ng teksto na matutunghayan sa ibaba:Iba-iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa globalisasyon at nanatili itongisang kontrobersiyal na isyu. Tunghayan ninyo ang mga positibong epektonito:POSITIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON1. Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa daigdig2. Paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi3. Paglaki ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal nanakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan at paglaki ng pruduksiyonna makatutugon sa pangangailangan ng mga tao4. Pagkakaroon ng pangdaigdigang pamilihan ( world market)5. Paglaganap ng teknolohiya at kaalaman sa tulong ng mabilis natransportasyon at komunikasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig

6. Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa7. Patuloy na pagkakaisa ng mga bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng mgapandaigdigan at panrehiyong organisasyon tulad ng UN, ASEAN, APEC atWHO8. Pag-unlad ng pamamaraanpagpapaunlad ng teknolohiyasapaggawasapamamagitanng9. Paglago ng iba’t ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamut sapagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga epidemya10. Pag-usbong ng mga korporasyong multinasyonal at pandaigdiganginstitusyon na nangangalaga sa kalakalan at pananalaping pandaigdig11. Pagbilis ng pagbibigay tugon at tulong ng iba’t ibang bansa sa mganasalanta ng kalamidad12. Pagpadali ng pamamahagi sa iba’t ibang lugar ng mga makabagonggamot13. Pagtaas ng antas ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagbibigay ngmaraming oportunidad para sa mga trabaho sa ibang bansa14. Pagdami ng mga estudyanteng nakapag-aral sa ibang bansa15. Sinisikap na mapabuti ng mga lokal na kompaniya ang presyo atkalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mgabanyagang kompaniya o mga multinasyonal.NEGATIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON1. Pagbaba ng kapital ng mga lokal na industriya na hindi kompetitibodahil sa pagtatanggal ng mga patakaran na nagbibigay proteksiyon sa mgaito. Sa ilalim ng malayang kalakalan, hindi mabigyan ng suporta ngpamahalaan ang lokal na industriya tulad ng diskuwento sa buwis at mgataripa sa mga produktong banyaga .Dahil walang buwis ang mga produktomula sa ibang bansa, o duty free ang mg ito, ito ay naipagbili sa muranghalaga kaysa mga lokal na produkto.Hal. Ang industriyang pagtatanim ng mga gulay sa ating bansa aymaaapektuhan ng mas murang gulay na iniangkat mula sa Taiwan dahilwala itong buwis.

2. Pagtaas ng kahirapan sa ating bansa dahil sa mataas na antas ngkawalan ng trabaho at mataas na antas ng kompetisyon sa trabaho samerkado3. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliitna negosyo4. Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa5. Paghihigpit ng mga patakaran sa paggawa6. Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompaniya at industriya na hindimakasabay sa pandaigdigang kompetisyon7. Paglaki ng kakulangan sa mahuhusay na manggagawa o brain drain sabansa dahil naakit ang mga tao sa mataas na pasahod sa mga bansangumaangkat ng mga manggagawa tulad ng mga bansa sa Europe, Canada atsa Kanlurang Asya8. Pagbuo ng maliliit na armadong grupong may basbas at suporta ng ilangmalalakas na armadong grupo sa ibang bansa9. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ngimpormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ngmga materyales na ginagamit dito10. Pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi maayos na paggamit ng gamalikas na yaman na pinagkukunan ng mga sangkap sa paggawa at sapolusyong dulot ng paggawa at industriyalisasyon11. Pagkawala ng katutubo o indigenous na kultura ng bansa dahil sapagpasok ng mga makabago at iba’t ibang kultura ng ibang bansa atpagyakap ng mga katutubo sa makabagong kultura upang mabuhay12. Pagtaas ng dependency rate ng mga bansang may mabagal nakaunlaran (underdeveloped countries) at papaunlad na bansa (developingcountries) sa mga maunlad na bansa (developed countries) dahil sila ang

nagsisilbing merkado ng duty free na mga produkto at mababang pasahodsa empleyo (cheap labor)13. Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa iba’t ibang panigng mundoHal. Noong 2003 – ang nakamamatay na sakit sa paghinga na tinatawag nasevere acute respiratory syndrome(SARS) mula sa Hongkong at China atkumalat sa 37 na bansa sa iba’t ibang panig ng mundo sa loob lamang ngilang linggo. Sa ngayon ang ilan sa mga sakit na nagdala ng malaking takotat hampas sa ekonomiya at lipunanng mundo ay ang Ebola sa mga bansa sa Africa noong 2014 at ang MERS –COV sa Korea noong 201514. Pagkakaroon ng mga suliraning may kaugnayan sa ugnayangpanlabas (International Relations) bunsod ng patuloy na paghahanap nglikas na yaman na makatutulong sa ekonomiya ng mga tao sa isang bansa.PagyamaninGawainPanuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Lagyan ng HAPPY EMOJI angpuwang kapag ang impormasyon ay napabilang sa positibong epekto ngglobalisasyonat SAD EMOJI naman kung ito ay napabilang sanegatibong epekto ng globalisasyon.1. Patuloy na pagkakaisa ng mga bansa sa pamamagitan ng pagbuong mga pandaigdigan at panrehiyong organisasyon tulad ng UN, ASEAN,APEC at WHO.2. Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa .3. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba angmaliliit na negosyo.4. Pagtaas ng antas ng kahirapan sa ating bansa dahil sa mataas naantas ng kawalan ng trabaho at mataas na antas sa kompetisyon satrabaho sa merkado.5. Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa daigdig.

6. Paghigpit ng mga patakaran sa paggawa.7. Paglago ng iba’t ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamotsa pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga epidemya.8. Pagbuo ng mga ng mga maliliit na armadong grupong my basbasat suporta ng ilang malalakas na armadong grupo sa iabng bansa.9. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ngimpormasyon sa sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ngmga materyales na ginagamit dito.10. Pagdami ng mga estudyanteng nakapag-aral sa ibang bansa.IsaisipGAWAIN (MGA EPEKTO .SALOOBIN MO! )PANUTO: Balikan ang mga impormasyon na inyong binasa. Ibigay anginyong saloobin o nadarama sa mga epekto ng globalisasyon namatutunghayan sa ibaba:MGA EPEKTO NGGLOBALISASYON(-) *Pagtaas ng antas ngkahirapan sa ating bansdahil sa mataas na antasng kawalan ng trabaho atmataasnaantasngkompetisyon sa trabaho samerkadoMGA SALOOBIN

( ) * Paglago ng iba’t ibangsangay ng agham nanatutuklas ng gamot sapagsugpo ng iba’t ibangsakit at mga epidemya( )*Sinisikapnamapabuti ng mga lokal nakompaniya ang presyo atkalidad ng serbisyo atprodukto upang magingkompetitibo laban sa mgabanyagang kompaniya omga multinasyonal

( )*Pagbilisngpagbibigay-tugon ng iba’tibangbansasamganasalanta ng kalamidadTayahinPANUTO: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ngtamang sagot sa puwang bago ang bilang at isulat sa inyong sagutangpapel.1. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit bumaba ang kapitalng mga lokal na industriya na hindi kompetitibo maliban sa isa. Ano ito?A. Dahil walang sapat na pondo ang mga lokal na industiryaB. Dahil sa pagtatanggal ng mga patakaran na nagbibigay proteksiyon samga lokal na industriyaC. Dahil hindi mabigyan ng suporta ng pamahalaan ang mga lokal naindustriya tulad ng diskwento sa buwis at mga taripa sa ma produktongbanyaga.D. Dahil walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa o duty freeang mga ito at naipagbibili sa murang halaga kaysa lokal na mga produkto2. Paano nakatutulong ang globalisasyon sa pag-usbong ng mundo?A. Nakatutulong dahil ang mga mayayamang bansa ay lalong nagpatingkadng kanilang mga gawaing pang-ekonomiya .B. Nakatutulong dahil ang mahihirap na mga bansa ay nakapagtataguyodsa iba’t ibang larangan upang umunlad.C. Nakatutulong dahil kapwa ang mahihirap at mayayamang bansa aynagtutulungan sa pagkamit pandaigdigang kaunlaran.D. Nakatutulong dahil lumawak ang pandaigdigang gawaing pangkultura,pang-ekonomiko at pampulitika at makikita ang mga senyales ng

globalisasyon sa iba’t ibang larangan kabilang na ang komunikasyon,popular na kultura,paglalakbay at ekonomiya.3. Ang Word Trade Organization (WTO) ay isang pandaigdigangorganisasyon na may kaugnayan sa Globalisasyon, ano ang layunin nito?A. Layunin nitong maging matatag at pinaka sentrong organisasyon sabuong mundo.B. Layunin nitong maging tanyag at mas kilala kaysa ibang organisasyonna namamahala sa mga patakaran ng mga kasapi.C. Layunin nitong bumuo ng mga patakaran sa kalakalan, magpapasigla atmagsasaayos ng malayang kalakalan kasaping bansa .D. Layunin nitong makalikom ng mga pundo upang mapasigla angpakikipagkalakan sa mga bansang may maraming produkto at maibenta sapandaigdigang merkado.4. Paano nakapagpabilis sa integrasyon ng mga bansa angglobalisasyon?A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansaB. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdigC. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumugon ang mga bansa sa mga bantang kapinsalaanD. Dahil sa globalisasyon, nagkakaroon ng mabilis na palitan ngimpormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.5. Bakit maituturing na Panlipunang Isyu ang globalisasyon?A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ngmga perennial na institusyon na matagal ng naitatagB. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayanC. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikalna aspektoD. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit napinaunlad ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mgamalalakin industriya.

Karagdagang GawainPANUTO: Gumawa ng Photo-Essay tungkol sa positibo at negatibongepekto ng globalisasyon sa kasalukuyan. Gabay ang rubriks sa ibaba.RUBRIKSNilalaman at kaangkupan sa paksa- 50 puntosTaglay nito ang positibo at negatibong epektong globalisasyon- 30 puntosOrihinalidad- 20 puntosKABUUAN:100 puntos

Susi sa PagwawastoBALIKAN1. A2. A3. D4. A5. CPAGTATAYA1. A2. D3. C4. D5. ASUBUKIN1. ( ang sagot ay nakadepende sa mag-aaral)2. Simula ng pag-usbong ng kabihasnan, kinakitaan ang mga taomula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang kanilang disposisyong “maglakbay” patungo sa mga lugar na makapagbibigay sa kanila ng maayosna pamumuhay.TUKLASIN1. Ang naging epekto nito ay ang paglago ng iba’t ibang sangay ng aghamna nakatutuklas ng gamot sa pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mgaepidemya.2. Oo, dahil sa globalisasyon napabilang tayo sa United Nation s at ibapang malalaking organisasyon at nakatatanggap tayo ng iba’t ibang uri ngtulong at benepisyo.3. Ito ay organisasyon ng mga bansang nagtutulungan para at dahil saglobalisasyon.PAGYAMANIN1. Happy Emoji2. Happy Emoji3. SadEmoji4. SadEmoji5. Happy Emoji6. SadEmoji7. Happy Emoji8. SadEmoji9. SadEmoji10.Happy Emoji

Sanggunian:Learner’s Module- Mga Kotemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan ( Set1) DRAFTPahina: 173-185Teacher’s Guide- Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan (Set1)DRAFTPahina: 184-191KAYAMANAN- Mga Kontemporaryong Isyu - Batayan at Sanayang Aklat saAraling PanlipunanMay- akda:Evangeline M. DalloEleonor D. AntonioConsuelo M. ImperialMaria Carmelita B. SamsonCelia D. SorianoPahina 103-105

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden LandHere the trees and flowers bloomHere the breezes gently Blow,Here the birds sing Merrily,The liberty forever Stays,Here the Badjaos roam the seasHere the Samals live in peaceHere the Tausogs thrive so freeWith the Yakans in unityGallant men And Ladies fairLinger with love and careGolden beams of sunrise and sunsetAre visions you’ll never forgetOh! That’s Region IXHardworking people Abound,Every valleys and DaleZamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,Ilongos,All of them are proud and trueRegion IX our Eden LandRegion IXOur.Eden.Land.The Footprints PrayerTreesby Joyce KilmerOne night I had a dream. I dreamed I think that I shall never seethat I was walking along the beach A poem lovely as a tree.with the LORD.A tree whose hungry mouth is prestIn the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowingof footprints – one belong to me and breast;the other to the LORD.A tree that looks at God all day,Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;noticed only one set of footprints.A tree that may in Summer wear“And I ask the LORD. Why? Why?A nest of robins in her hair;Why did you leave me when I am sadand helpless?”Upon whose bosom snow has lain;And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.son, I have never left you. There wasonly one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,sand, because it was then that I But only God can make a tree.CARRIED YOU!1

mga tao sa daigdig, ano ang naging epekto nito sa globalisasyon? 2. Nakatutulong ba ang globalisasyon sa mahihirap na bansa tulad ng . Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa . _3. Pagdami ng mga taong w