Filipino Baitang 3 Ikatlong Markahan - Rex Interactive

Transcription

Filipino Baitang 3Ikatlong Markahan1

2

Aralin 1: Angkop na Pagtatanong: Musika, Sining,Sayaw, at Iba PaA.PanimulaBasahin ng mga mag-aaral ang seleksiyon.Si Celine ay isang mabait na bata. Anaksiya ng mag-asawang Amerikano na ngayonay nakatira sa Pilipinas. Matatas na siyang magTagalog ngayon bagamat kung minsan hindiniya maiwasang mabulol. Napakagaling niyangtumugtog ng violin at saxophone. Isa rin siyangballerina. Isa siyang multi-talented na bata.Mga Tanong:B. Sino si Celine? Saan siya nakatira? Ano-ano ang kanyang tinutugtog? Ano angtawag sa kanyang maraming kakayahan? Ano ang ginamit natin sa pagtatanong?Katawan1.Kasanayang PampanitikanSubukin: Ang tamang paggamit ng mga tanongna sino, ano, saan, ilan, kailan, ano-ano, sinosino ay nakatutulong upang matukoy natin angmga detalye sa binasang teksto. Ito ay maaaringtumutukoy sa tao, bagay, pangyayari, o lugar.Pakikinig: Ipabasa sa mga mag-aaral angakda na kanilang kopya.Musika, Sining, Sayaw, at Iba paSama-sama ang mga mag-aaral ng Baitang Tatlo saisang malaking silid-aklatan sa pag-aaral ng kahulugan ngkulturang Pilipino. Bawat mag-aaral ay tuwang-tuwangnakikinig kay Bb. Arellano. Ipinapaliwanag niya ang mgaminana natin sa ating mga ninuno.PamantayangPangnilalaman:Naipamamalasang kakayahan attatas sa pagsasalitaat pagpapahayagng sariling ideya,kaisipan, atdamdaminPamantayangPagganap:Nagagamit angkasanayan sa wikaupang maipahayagang mga ideya atkaranasan base satekstong nabasaMga KasanayangPampagkatuto:1. Nagagamitang angkop napagtatanongtungkol sa mgatao, bagay, lugar,at pangyayari(sino, ano, saan,ilan, kailan, anoano, sino-sino)2. Nakagagamitng pahiwatigupang malamanang kahuluganng mga salitatulad ngpaggamit ng mgapalatandaangnagbibigay ngkahulugan3

Bb. Arellano: Mga bata, alam ba ninyo na katangi-tangisa ating mga ninuno ang pagmamahal sa kanyangkultura?Hanna: Ang ibig ninyo pong sabihin, kaming mga batangPilipino ay dapat lamang turuan ng pagmamalaki saating kulturang Pilipino?Bb. Arellano: Tama ka, Hanna. Ang isa sa aspekto ngkulturang maaari nating gamitin ay ang atingkasuotang Pilipino. Tingnan ninyong mabuti angmga larawang ipakikita ko sa inyo.Ted: Tunay nga po palang kakaiba ang kasuotan na atingnamana sa ating mga ninuno.Bb. Arellano: Alam niyo rin ba na nananamitang sinaunang Kristiyano nang naaayon sakinabibilangan niya sa lipunan, relihiyon, lugar naginagalawan at relasyong kultural sa mga karatigna bansa? Gumagamit din sila ng mga halamangmayroon sa kanilang paligid upang habihin atgawing tela. Karaniwang kumukuha sila sa abaca,pinya, rami, at cotton.abacapinyaLervin: Bb. Arellano, ano pong mga paraan ang maaarinating gawin upang maipagpatuloy ang pagkilala sakulturang ipinamana sa atin?43. Nasasagot angmga tanongtungkol satekstong binasaat tekstongpagpapaliwanag4. Naiuugnay angsariling karanasansa binasa5. Naibibigay angmaaaring pahinang aklat bataysa pamagat atpabalat

Bb. Arellano: Isa pang pamamaraan ay ang paggaya saestilo at korte ng mga kasuotang ito. Halimbawaay maaari nating gayahin ang baro at gamitan ngibang tela. Ang pang-ibaba ay maaaring tela ngmalong at iba pang habi. Maaari rin nating gayahinang kanilang kakaibang pagpili ng kulay sa paggawang kombinasyon sa kasuotan. Marami pangpamamaraan ang maaaring gawin upang gumawang mga kasuotang Pilipino. Ang pagiging malikhain,praktikal, at espirituwal ng mga Pilipino sa kanyangkasuotan ay isang pamana sa atin. Ito ay dapat natingpag-ingatan at patuloy na isulong upang mamulatang mga Pilipino sa paggamit ng mga kasuotang itosa ating panahon.Theo: Ano-ano naman pong mga instrumentongpangmusika ang ginagamit ng ating mga ninuno?Bb. Arellano: Tingnan ninyong mabuti ang mga larawangito. Ito ay ilan lamang sa mga instrumentongpangmusika na ginagamit ng ating mga ninuno.Kudyapi ng mgaKalingaBalingbing ng mgaCordilleraGabbang ng mgaYakanKulintang ng mgaMaranawJabez: Ang gaganda pala ng instrumentong musikal ngating mga ninuno.5

Bb. Arellano: Tama at hindi lang iyan. Maging sa mgakatutubong sayaw ay tunay na makikita ang yamanng kulturang Pilipino. Pagmasdan ninyo ang mga ito:SubliPandanggo sa IlawMaglalatikSingkilDiego: Talaga po palang napakayaman ng kulturangPilipino.Siping Kuwento mula sa Daluyan (Pahina 36–39)Thelma A. Alngog et. al2.Pagpapalawak ng TalasalitaanPabuuin ang kasingkahulugan ng mga salitangnakasalungguhit sa mga mag-aaral. Isulat angnawawalang titik sa nakalaang kahon.a.Ipinapaliwanag niya ang mga minananatin sa ating mga ninuno.nb.Ano po bang mga paraan ang maaarinating gawin upang maipagpatuloy angpagkilala sa kulturang ipinasa sa atin?pc.Alam niyo ba na katangi-tangi sa atingmga ninuno ang pagmamahal sa kanyangkultura?k6-

d.Maaari nating gayahin ang kanilangkakaibang pagpili ng kulay sa paggawang kombinasyon sa kasuotan.k3.Kasanayang PanggramatikaSabihin: Upang maunawaan ang buong detalyeng anumang nabasa o narinig, kailangangmatukoy ang pangunahing impormasyonnito sa pamamagitan ng pagsagot sa mgapangunahing tanong na sino, saan, alin,kailan, ano, ilan, at paano.Tandaan ang mga signal na tumutukoy samga tanong.a.sino taoe.ano bagayb.saan lugarf.ilan bilangc.alin pagpilig.paano paraand.kailan panahon4.PagpapayamanIpasagot ang mga tanong sa mga magaaral.a.Saan sama-samang nag-aaral ang mgabatang mag-aaral ng ikatlong baitang?b.Ano ang pinag-aaralan nila?c.Kailan natin dapat pahalagahan ang mgaminana nating kulturang Pilipino?d.Paano raw natin maipagpapatuloy angpagkilala sa kulturang ipinasa sa atin?e.Bilang isang mamamayang Pilipino, paanomo maipagmamalaki ang kulturang iyongminana sa ating mga ninuno?7

5.PagpapalawigIpabasa at ipaunawa nang mabuti sa mgamag-aaral ang bawat pangungusap. Ipasulat sapatlang sa unahan ng bilang kung sino, saan,alin, kailan, ano, ilan, at paano ang tinutukoy ngmga salitang nakalimbag o italisado.a. Sama-sama ang mga magaaral ng ikatlong baitangsa isang silid-aralan.b. Naglagay sila ng maraminghalaman sa paligid upanggumanda ito.c. Si Bb. Arellano ay totoongnapakahusay sa kanyangpagpapaliwanag sa mgamag-aaral.d. Ang mga mag-aaral aynahirapang mamili kungsayaw o damit ba ng atingmga ninuno ang mas naisnilang gayahin.e. Talagang napakarami ngmga pamanang maaarinating ipagmalaki sabuong mundo.C.Kongklusyon1.PaglalahatAng mga tanong na sino, saan, alin,kailan, ano, ilan, at paano ay ginagamit upangmaunawaan ang mga detalye sa binasangteksto. Maaari itong tumutukoy sa tao, lugar,bagay, bilang, at pangyayari.2.PagpapahalagaMagpasulat ng isang pahayag sa mgamag-aaral na nagsasabi kung paano nilaipakikita ang pagmamahal sa mga minanangkulturang Pilipino. Ipasulat ang kanilang sagotsa nakalaang espasyo.8

3.Takdang AralinIpagawa: Gayahin sa kahon ang pahina ngpamagat ng iyong aklat. Isulat sa baba ngkahon ang mga kuwentong nagustuhan mo nainyong binasa sa klase at isulat ang mga pahinanito.9

Aralin 2: Mga Pang-uring Panlarawan: Si Puroy,Ang Ulirang PaslitA.PanimulaIpakita sa mga mag-aaral ang sumusunod namga larawan.PamantayangPangnilalaman:Naipamamalasang kakayahan attatas sa pagsasalitaat pagpapahayagng sariling ideya,kaisipan, karanasan,at B. Ano ang tawag sa mga salitang ginamit sa mgalarawan? Ilarawan ang katangian ng unang larawan atpangalawang larawan. Ano ang tawag sa mga salitang ginamit mo sapaglalarawan?Katawan1.Kasanayang PampanitikanPang-uri ang tawag sa salitangnaglalarawan sa pangngalan at panghalip.Ang mga pang-uri ay maaaring maglarawansa katangian, damdamin, hitsura o anyo, kulay,lasa, amoy, tunog, kayarian, at hugis ng isangpangngalan o panghalip, ang tawag dito aymga pang-uring panlarawan.Pakikinig: Basahin sa klase ng mga mag-aaralang akda na nasa kanilang kopya.10Matukoy ang mgasalitang ginagamitsa paglalarawan ngtao, bagay, gawa, opangyayariMga KasanayangPampagkatuto:1. Nakapaglalarawan ng mgatao, hayop, bagay,at lugar sapamayanan2. Naibabaybaynang wasto angmga salitangnatutuhan saaralin/batayangtalasalitaangpampaningin3. Naipamamalasang paggalang saideya, damdamin,at kultura ng mayakda ng tekstongnapakinggan onabasa

Si Puroy, Ang Ulirang PaslitSi Puroy ay isang batang lalaki. Siya ay siyam nataong gulang. Sa kabila ng kanyang kabataan, siya aynakatutulong na sa kanyang mga magulang. Ang kanyangama ay si Mang Tinoy at ang kanyang ina ay si AlingAna. Maituturing na isang ulirang paslit si Puroy dahil sakanyang taglay na kasipagan.Masipag mag-aral si Puroy. Sinisiguro niyangnagagawa niya ang kanyang takdang-aralin sa bahay palamang. Nagbabalik-aral din siya ng mga itinuro ng gurosa araw na nagdaan. Pagkatapos gawin ang kanyang mgaaralin ay tumutulong naman siya sa kanyang ama at ina samga gawaing-bahay. Nagwawalis siya ng mga natuyongdahon sa bakuran o kaya naman ay naglalampaso ng sahighanggang sa ito ay kumintab. Kapag wala namang pasokay sumasama siya sa kaniyang ama sa pangangahoy.Minsan din ay siya ang nagpapastol ng kanilang kalabaw.Kapag mahaba ang bakasyon at walang pasok, nasisiyahansiyang tumulong sa pagtatanim ng palay at gulay sa bukid.4. Nakasusulatng isang ulattungkol sa isangpangyayaringnapanood5. Naikukumparaang mga aklatsa pamamagitanng pagtatala ngpagkakatulad atpagkakaiba bataysa temaAlam ng kanyang ina na kailangan din ni Puroy namakisalamuha sa ibang bata. Kaya tuwing araw ng Sabado,pinapayagan niya si Puroy na magsaya sa pakikipaglaro sakanilang mga kapitbahay na kapwa niya bata. Tuwing arawnaman ng Linggo ay higit pa nating hahangaan si Puroydahil siya ay kasama ng kanyang ama at ina sa pagsisimbasa kapilya. Ang pamilya nila ay magiliw na nananalanginat nagpapasalamat sa mga biyaya na ipinagkakaloob sakanila ng Panginoong Diyos.Nang sumapit ang kaarawan ni Puroy, siya ayipinasyal ng kanyang ama at ina sa Maynila. “Puroy, tayong sumakay sa MRT,” sabi ng kanyang ama. “Naku! Ngayonlamang ako makasasakay sa tren,” ang masayang nasambitni Puroy. Sa pagsakay nila sa MRT ay itinuro ng ama kungpaanong gamitin ang card para makapasok siya sa loobng train station. “Madali lang pala, ipapasok ko lang angcard sa makinang iyon at makadadaan na ako,” ang sabini Puroy. Sumakay sila sa elevator para mabilis silangmakababa sa istasyon. “Nakikita mo ba ang mga bilog naiyan Puroy, pipindutin mo lang kung anong palapag kalalabas,” ang sabi ng kanyang ina.11

“Sa pangalawang palapag po tayo bababa, ‘di ba?”tanong ni Puroy. “Oo, Puroy, sige pindutin mo ang bilang2,” sagot ng kanyang ina. Tuwang-tuwang lumabas siPuroy mula sa elevator, marami na siyang natutuhan sakanyang pamamasyal.“Tayo nang kumain sa Jollibee,” ang yaya ng kanyangina. “Doon na tayo magtanghalian.” Kinuha ng cashier angorder nila Puroy at pinindot ang cash register. Masayangmasayang kumain ang buong pamilya. Pagdaka’y nagyayasi Puroy na pumunta sa mall. “Inay, Itay, umakyat tayo sapangalawang palapag,” ang yaya ni Puroy. “O sige, gamitinnatin ang escalator,” turo ng kanyang ama. “Itay, angsayang sumakay dito, hindi ko na kailangang maglakadpataas, ang escalator na ang magdadala sa akin pataaspara di na ako masyadong mapagod.” Patuloy na namasyalang mag-anak hanggang sa magdapit hapon na. “Itay,Inay, maraming salamat po sa pamamasyal nating ito,marami po akong nakita at natutuhan ngayong araw naito. Sa aking paglaki, kayo naman ipapasyal ko.” Sabayna tumawa ang mag-asawa sa binitiwang salita ni Puroy.Tuwang-tuwang umuwi ang mag-anak ng hapong iyon.Siping kuwento mula sa Daluyan (pahina 264–265)Thelma A. Alngog et al.2.Pagpapalawak ng TalasalitaanIpagawa: Ipaugnay ang mga magkasingkahulugan. Isulat ang letra sa patlang.a. uliranb. paslitc. nagpapastold. masipage. makisalamuha3.1) nag-aalagang hayop2) huwaran3) masikap4) makihalubilo5) bataKasanayang PanggramatikaSabihin: Pang-uri ang tawag sa salitangnaglalarawan sa pangngalan at panghalip.12

Ang pang-uri ay maaaring maglarawansa katangian, damdamin, hitsura o anyo,kulay, lasa, amoy, tunog, kayarian, at hugis ngpangngalan at panghalip. Ang pang-uring aytinatawag na pang-uring panlarawan.Mga halimbawa:katangian–damdamin–hitsura o anyo ��4.5.matalino, masunurin, dakilamasaya, galit, takotmatangos, maganda, payatpula, dilaw, asulmapait, matamis, maasimmabango, mabahomalakas, mahinamakinis, magaspangbilog, tatsulok, biluhabaPagpapayamanIpasagot ang sumusunod na mga tanong:a. Ano-ano ang magandang katangian niPuroy na nabanggit sa kuwento?b. Sa paanong paraan ipinapakita ni Puroyang pagtulong sa kanyang ama at ina?c.Paano ipinagdiwang ang kaarawan niPuroy?d. Ano-ano ang kanyang natutuhan sakanilang pamamasyal?e. Sumasang-ayon ka ba na isang ulirangbata si Puroy? Bakit?PagpapalawigIpagawa: Bilugan ang pang-uring panlarawansa pangngalan/panghalip na nakasulat ngpahilig sa pangungusap.a.Ang matulis na lapis ay nabali ng bata.b.Simpleng buhay ang gusto ng dalaga.c.Nasa Visayas ang malawak nilang lupain.d.Matatapang ang mga kawal na iyon.e.Kailangan natin ng sariwang hangin.13

naglalarawan ng katangian, damdamin, hitsurao anyo, kulay, lasa, amoy, tunog, kayarian, athugis ng pangngalan at panghalip.2.3.14PagpapahalagaIpagawa: Lagyan ng J ang bilog sa unahan ngbawat pangungusap na nagsasaad ng pagigingmasipag.1.Tumulong si Linda sa mga gawaingbahay.2.Nagbabalik-aral ako ng mga leksyonaraw-araw.3.Siya naman ang utusan mo, nanonoodpa ako ng telebisyon.4.Nagkusa ang magkapatid na hugasanang mga platong pinagkainan.5.Nakakatamad bumangon, hindi munaako papasok ngayon.Takdang Aralin1.Sumulat ng isang talata tungkol sa isangpangyayari sa inyong pamayanan nanapanood mo. Gumamit ng mga panguring panlarawan upang mailarawanng malinaw ang pangyayaring iyongnapanuod. Isalaysay ito sa klase.2.Kumuha ng dalawang aklat na gustonggusto mo. Ikumpara ang pagkakatuladat pagkakaiba ng mga ito gamit ang mgapang-uring panlarawan.

Aralin 3: Salitang Inuulit – Salitang Tambalan:Mang Andoy, Ulirang AmaPamantayangPangnilalaman:A.Naisasagawaang mapanuringpagbasa upangmapalawak angtalasalitaanPanimulaIpabasa sa mga mag-aaral ang talata sa ibaba:Jose: Dali! Kunin mo ang iyong palayukpalayukan at pati na ang aking sundasundaluhan.Juana: Sige, Kuya. Doon po tayo maglaro saating bahay-kubo. Isasali ba natin angating kapitbahay?Jose: Huwag na. Baka isumbong pa tayo sananay at tatay.Juana: Oo nga, tayo na nga lang ang maglaro.Mga Tanong:B.1.Tingnan ang mga salitang may salungguhit sausapan. Ano ang iyong napansin sa mga ito?2.Anong mga salita ang inulit?3.Paano naiiba ang mga salitang nakahilig sa maymga salungguhit?4.Ano ang tawag sa mga ganitong salita?Katawan1.Kasanayang PampanitikanSabihin: Ang mga salitang inuulit ay dalawangpantig o salita na dalawang beses sinasabisamantalang ang mga tambalang salita aydalawang salitang pinagdugtong.Pakikinig: Ipabasa sa mga mag-aaral angsumusunod na akda.PamantayangPagganap:Nagamit ng wastoang kasanayan sapaggamit ng wikasa pagbasa.Mga KasanayangPampagkatuto:1. Natutukoy angkahulugan ngmga tambalangsalita nanananatili angkahulugan2. Napagyayamanang talasalitaansa pamamagitanng paghanap ngmaikling salitangmatatagpuan saloob ng isangmahabang salita3. Nasasabi angpaksa o tema ngbinasang teksto4. Naipakikitang aktibongpakikilahoksa usapanat gawaingpampanitikan15

Mang Andoy: Ulirang AmaTatlo ang anak ni Mang Andoy at Aling Sofia. SiLaila ay ang panganay na nasa kolehiyo. Si Marie, angpangalawa, ay nasa hayskul at ang bunsong si Oscar aynasa ikatlong baitang ng elementarya.Dating drayber si Mang Andoy sa isang pagawaan.Nang maghayskul na ang panganay, naisipan niyangmagtrabaho sa Saudi bilang drayber. Natanggap namansiya. Ngayon, apat na taon na sa Saudi si Mang Andoy.Tumatawag na lang siya sa kanyang pamilya tuwing Linggo.Minsan sa isang buwan na lang kasi siya nakasusulat sapamilya. Madalas kasi siyang bumibiyahe. Pero hindinaman pumapalya si Mang Andoy sa pagpapadala ngpera sa kanyang pamilya.Maraming kuwento si Mang Andoy tungkol sa mgakaranasan niya. Minsan ay may nakilala siyang isangkababayan na nakapag-asawa ng isang taga-Saudi.Inanyayahan siyang kumain sa tahanan nito.Ipinasyal din siya nito sa lungsod. Pero ang kadalasangikinukuwento niya ay ang hirap ng pagmamaneho sadisyerto at ang matinding lungkot na nadarama niya.Tanging larawan ng pamilya lang kasi ang kapiling niya.Sa huling balita niya ay nagkakahirapan na rawpumasok sa bansang Iraq dahil sa panganib na dulot ngmga terorista at mga bombang nakatanim. Maramingdrayber ang tumatangging maghatid ng mga langis opagkain sa Iraq. Pero ng sila ay alukin ng tripleng bayadpara sa serbisyo, kasama si Mang Andoy sa pumayag.Isang araw ay may dumating na telegrama sakanyang pamilya. Nakalagay roon na nasa ospital si MangAndoy. Nasabugan ng landmine ang trak na minamanehoniya. Tinawagan ng pamilya ang telepono ni Mang Andoypero walang sumasagot nito.Makaraan ang isang linggo, nakatanggap si AlingSofia ng tawag mula sa asawa. Maayos naman daw siyaat walang dapat na ikabahala ang pamilya. Kahit anongpilit ni Aling Sofia na pauwiin si Mang Andoy ay hindi itopumayag. Ipagpapatuloy raw niya ang pagtatrabaho roon.Pero para maibsan ang pag-aalala ng asawa, nangakosiyang hindi na bibiyahe pa sa Iraq.165. Nagagamitang malaki atmaliit na letra atmga bantas sapagsulat ng mgasalitang dinaglat

Tanging panalangin na lamang ang magagawa niAling Sofia at mga anak para sa kaligtasan ng kanilangulirang ama.Siping Kuwento mula sa Gintong Sinag 3 (pahina 87–88)Rizalina R. Santos, Ph.D.2.Pagpapalawak ng TalasalitaanIpabasa ang mga salitang hinangosa kuwento. Ikahon ang mga panlapi atsalungguhitan ang salitang-ugat.Halimbawa: ka ligaya akasusulat5.kadalasan10. ipinasyalKasanayang PanggramatikaSalitang Inuulit – Salitang Tambalana.Inuulit – salitang ang unang dalawangpantig o buong salitang-ugat ay dalawangbeses sinasabi.Halimbawa: balan – ang dalawang salitangpinagsama o pinagdugtong ng gitling (-)ay itinuturing na isang salita lamang.Halimbawa: bahay kubo bahaykubohanap buhay hanapbuhay4.PagpapayamanIpasagot sa mga mag-aaralsumusunod na mga tanong.ang17

a.b.c.d.e.5.Pagpapalawiga.b.18Saang bansa nagtatrabaho si MangAndoy? Ano ang trabaho niya roon?Paano nakikipag-ugnayan si Mang Andoysa pamilya niya?Ano ang magandang karanasan niya saSaudi?Ano ang nangyari kay Mang Andoy saIraq?Tungkol saan ang binasa nating kuwento?Ano ang makukuha mong aral dito?Pabilugan ang tambalang salita sa bawatpangungusap at isulat sa patlang ang ibigsabihin nito.1)Buong-puso namingsiyang tinanggap bilangisang kamag-aral.2)Magdadapit-hapon nanang ihatid naming siAling Lucia sa piyer.3)Nag-aagaw-buhay angnanay niya sa probinsiya.4)Binubunot namin angdamong-ligaw sa aminghardin.5)Para kaming mgabansang-sisiw nangumalis siya.Pakahunan ang salitang inuulit sa bawatpangungusap.1) Maagang-maaga pa, gising na siDelia.2) Ang mga bukas na ilaw ay isa-isaniyang pinatay.3) Dahan-dahan siyang kumilos parahindi magising ang mag-anak

C.4)Ang kaldero at bigas ay ingat naingat niyang hinuhugasan.5)Maya-maya, nakasalang na angsinaing.Kongklusyon1.PaglalahatSabihin: Ang tambalang salita ay dalawangsalitang pinagsama o pinagtambal nanagkaroon ng bagong kahulugan. Samantalangang mga salitang inuulit ay pag-uulit lamangng pantig o salita sa pagbasa.2.PagpapahalagaIpagawa: Pasagutan ng Oo o Hindi.1) Si Mang Andoy ba ay isangulirang ama?2) Pumapalya ba si Mang Andoy sapagpapadala ng pera sa pamilya?3) Nadadalian bang bumiyahe siMang Andoy sa disyerto?4) Inalok ba ng triple si Mang Andoypara lang bumiyahe sa Iraq?5) Naiibsan ba ang kalungkutan niMang Andoy kapag tumatawagsa pamilya?3.Takdang AralinMagpakita ng isang halimbawa ng liham.Ipaliwanag din kung ano ang mga bahagi nitosa mga mag-aaral. Pagkatapos, magpasulatng isang maikling liham na may kaugnayan sapaksa ng binasang teksto.Ipagpalagay na ikaw ay may ama oina na OFW. Sumulat ng isang liham para sakanya. Tiyaking gumamit ng tamang bantas sapagsulat.19

tao, bagay, gawa, o pangyayari Mga Kasanayang Pampagkatuto: 1. Nakapagla-larawan ng mga tao, hayop, bagay, at lugar sa pamayanan 2. Naibabaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin/batayang talasalitaang pampaningin 3. Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin