SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY

Transcription

SERBISYO NG KAMATAYANAT MULING PAGKABUHAYMANWAL SA PAGDIRIWANGREV. JERIC C. CORTADO

TALAAN NG MGA NILALAMAN1. MGA MENSAHE . . .32. PAMBUNGAD NA SALITA . . .4HINGGIL SA SERBISYO NG KAMATAYANAT MULING PAGKABUHAY . .53. SALIGANG PADRON NG SERBISYO NG PAGSAMBASA PAGLALAMAY 54. MGA PAGPIPILIANG TAWAG SA PAGSAMBA 75. MGA PAGPIPILIANG SAGUTANG PAGBASAO PSALTERIO .106. BURIAL OF THE DEAD SERVICE . . .207. ANG SERBISYO NG PAGLALAGAK . .258. ANG SERBISYO NG PAGSAMBASA PAG-ALAALA NG YUMAO . 279. SERBISYO NG PAGDADALAW SA PUNTOD . .2910. SERBISYO PARA SA KASISILANG NA SANGGOLO BATA NA YUMAO .3011. MINISTERYO SA MALAPIT NANG MAMATAY .3312. KAPAHAYAGAN NG PANANAMPALATAYA . .3413. MGA PILING AWITIN . . . .3514. MGA PILING LEKSIYON .3915. PANGWAKAS . . 4016. MGA PINAGBATAYAN . . .402 Page

MGA MENSAHEMULA SA LAY LEADERPapuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagisa napakaganda at napakahalagang gawain na pinasimulan ng isang alagad atmanggagawa ng Diyos. Sa pagpapalaganap ng Kanyang kaharian sa pamamagitan ngpaggawa ng mga liturhiya para sa PANANAMBAHAN NG KAMATAYAN AT MULINGPAGKABUHAY. Isang karangalan ng Pioneer United Methodist Church, Mlang, Cotabatoang magkaroon ng isang Pastor sa katauhan ni Ptr. Jeric C. Cortado na nag-ukol ngkanyang kakayahan at panahon sa paggawa ng mga liturhiya na nagpagaan sa mgagawain at ministeryo ng iglesya. Naging kabahagi ang iglesya lalong-lalo na ang mgakababaihan (WSCS) sa mga gawain sa pananambahan, sa paglalamay, parangal atpasasalamat at naging malaking hamon at pagganyak sa kanila na makibahagi sa mgaganitong gawain sa iglesya. Pagpapatunay na hindi lamang sa materyal na bagaymaipakita o maipadama ang pagmamahal at pagsisilbi sa Diyos kung hindi sapamamagitan ng paghahandog ng panahon sa iba‟t ibang uri ng pananambahan. #MRS. MINDA ANGELFormer Lay LeaderPioneer United Methodist ChurchJ.P. Laurel St., Poblacion B, Mlang, Cotabato MULA SA DISTRICT SUPERINTENDENTSa mga Mambabasa, ikinagagalak po naming ipalathala ang Liturhiyang ito para sapagdaraos ng siyam (9) na gabing paglalamay para sa yumaong kasapi ng iglesya.Kinikilala po nating napakalaking tulong ito para sa mga pastor at diyakonesa sa iba‟tibang iglesya lokal na laging naghahanap ng materyal para sa mga ganitong pagtitipon.Ang materyal na ito ay bunga ng masaganang karanasan ni Pastor Jeric C. Cortado nanadestino bilang Intern Pastor ng Pioneer United Methodist Church, Mlang, Cotabato. Sakanyang pagdating doon sinalubong siya ng mga sunod-sunod na serbisyo para sapatay. Wala pang tatlong buwan siyang nadestino roon ay apat na sa mga miyembro angyumao. Dito niya nakita ang kahalagahan ng pagbubuo ng liturhiya para sa siyam (9) nagabing paglalamay upang maging maayos ang daloy ng pagsamba. Ang siyam (9) nagabing paglalamay ay isang tradisyong laging idinaraos ng mga pamilyang naulila. Ito aypagbibigay ng huling galang sa yumao. Sa mga miyembro ng iglesya sa loob din ngsiyam (9) na gabing paglalamay ay kasama na dito ang serbisyo ng paglalamay.Natatapos ito sa araw ng libing ng yumao. Kaya madalas ay malaking responsibilidad itopara sa mga manggagawa ng iglesya. Laging suliranin ang pagsasaayos sa daloy ngserbisyo ng paglalamay. Subalit walang nangahas na bumuo ng ganitong materyal sakabila ng maraming nakakita at nakadama sa ganitong pangangailangan ng mga iglesyaat mga manggagawa. Dahil dito tayo ay nagpapasalamat sa kasigasigan ni Pastor Jericna isulat at ilathala ang mga nalikom niyang liturhiya para sa ganitong gawain sahangaring makatulong ito sa mga kapwa manggagawa. #REV. ABELARDO N. GUERREROFormer District Superintendent – Mindanao Central East DistrictMindanao Philippines Annual ConferenceThe United Methodist Church3 Page

PAMBUNGAD NA SALITAAng manwal na ito ay compilation na unang nabuo noong ako ay madestino sa PioneerUnited Methodist Church, ang unang komunidad ng mga Metodista na kinilala bilangunang Iglesya Lokal ng “The Methodist Church” sa Mindanao. Sa unang araw pa lang,sinalubong na ako ng sunod-sunod na “funeral, burial and memorial services”. Ilan dingsermon at liturhiya ang ipinaghanda maliban sa regular na gawain ng iglesya. Sa mgapanahong gaya nito, malimit ang mga kagaya kong nagsisimula pa lamang noon saministeryo ay nalilito at naguguluhan. Ito ay hindi biro.Bagama‟t napakasimple, tradisyunal na masasabi ang daloy ay mainam na upangmagkaroon ng panimulang gabay. Isang panimula sa higit pang pagpapalago ng mgaliturhiyang angkop sa ganitong mga kalagayan. Napalago ang manwal na ito nang akoay madestino sa Founder United Methodist Church, ang isa sa mga matatandang Iglesyasa Mindanao na unang nakilala bilang “Methodist Episcopal Church” ing Aringay,Kabacan, Cotabato. Sa loob ng apat na taon ko sa komunidad na ito, ang mga gabay nanakapaloob nito ay lalong naisayos ayon sa pangkalahatang konteksto ng mga iglesyaMetodista sa aming dako. ilan sa mga bahagi ng gabay o ritwal ay hinango ko mula samga nalikom kong “liturgy guide” noong ako ay nag-aaral pa lamang sa seminaryo;nadaluhang mga okasyon mula sa iba‟t ibang iglesya lokal ng Metodista, evangelical atekyumenikal; at nabasang mga aklat patungkol sa pagsamba at liturhiya habang ako aynagtuturo ng asignaturang ito sa Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. (SPMCI).Nakapaloob sa manwal na ito ang maikling paliwanag hinggil sa Serbisyo ng Kamatayanat Muling Pagkabuhay, batayang padron ng pagsamba ayon sa ating Aklat ng Pagsambabilang mga Metodista; mga pagpipilian na Tawag sa Pagsamba; Sagutang Pagbasa oPsalterio; batayang aralin sa Bibliya; mga piling awitin; ritwal sa paglalagak, sa pagalaala sa mga yumao at pagdadalaw sa mga puntod, sa pagbabasbas sa kasisilang nasanggol na yumao, at sa pagbabasbas sa paglilibingan na pawang naranasan ko sa mgaiglesyang aking pinaglingkuran. Sa kasalukuyan bahagi ang manwal na ito sa aking mgaitinuturo sa mga mag-aaral sa SPMCI na kumukuha ng kursong Bachelor of Arts major inTheology, Bachelor in Early Childhood Education major in Christian Education, Bachelorof Ministry at Master of Ministry.Inihanda ang manwal na ito upang kahit papaano ay makatulong sa gawaing pagsambaat ministeryo ng iglesya. Aking inihahandog ito sa mga nagsisimula pa lamang saministeryo.REV. JERIC C. CORTADO20154 Page

HINGGIL SA SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULINGPAGKABUHAYAyon sa ating Aklat ng Pagsamba, dapat kagyat na masabihan ang pastor hinggil sakamatayan ng kaanib o associate ng kongregasyon. Taimtim na hinihimok ang mgakaanib ng pamilya ng yumao, mga kaibigan, at mga kaanib ng konggregasyon namakibahagi sa pangunguna sa mga Serbisyo. Ang terminong “Funeral Service” ayangkop para sa serbisyong nakaburol pa ang bangkay. Ang “Burial Service” ayterminong angkop sa serbisyong gaganapin sa simbahan o sa tahanan bago dalhin sapaglilibangan nito ang bangkay. Ang “Committal Service” ay termino para sa serbisyongibabaon na sa lupa ang bangkay o ipapasok na ito sa nitso. Ang “Memorial Service” ayterminong angkop na gamitin sa mga serbisyo matapos ang libing. Ang “Serbisyo ngKamatayan at Muling-Pagkabuhay” ay komprehensibong pamagat na angkop gamitin saanumang kalagayang nabanggit. Ipinapahayag sa mga pagsambang ito ang mgakatotohanan hinggil sa kamatayan at pangungulila, at ipinagdiriwang ang ebanghelyo ngmuling pagkabuhay sa konteksto ng pakikipagtipan sa atin ng Diyos kay Cristo-Jesus.(ANG AKLAT NG PAGSAMBA, p89.) SALIGANG PADRON NG SERBISYO NG PAGSAMBA SAPANAHON NG LAMAYPANIMULAPAGTITIPON AT PAGHAHANDAMagtitipon ang lahat sa ngalan ng Panginoon. Maaring sa mga panahong itogagawin ang mga impormal na batian, mga pagbabalita at pagtanggap.Tutugtugin ang instrumental na musika o imno ng paghahanda. TAWAG SA PAGSAMBAAng lahat ay magsitayo. IMNOAng lahat ay manatiling nakatayo. PANIMULANG PANALANGINAng lahat ay manatiling nakatayo.PROKLAMASYON AT TUGONDALANGING PANGKALIWANAGANAng panalanging ito ay sinasambit ng pastor o ng worship leader na nakatuon sadalawang bagay. Una, ito panalanging humihingi ng gabay at basbas mula saDiyos sa pagbabasa ng mga aralin, sa gayon ay mapakinggan ng komunidadang katotohanan mula sa Diyos. Pangalawa, ito ay panalangin upang pagpalainang pastor o tagapangaral sa paglalahad nito ng sermon, sa gayon aymakapagdulot ito ng liwanag at inspirasyon sa mga nakikinig na bayan ng Diyos.5 Page

ANG ARALIN SA LUMANG TIPANTagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ni kabanatamula sa talata hanggang . Ang Salita ng Diyos.Komunidad: Salamat sa Diyos.Tugon: (awitin, “Pangunahan Mo”) Pangunahan mo, aming pagbubulay.Karunungan Mo‟y sa mi‟y maging ganap.SAGUTANG PAGBASA/PSALTERIOAng sagutang pagbasa ay hango sa mga piling aralin sa Awit.ANG ARALIN SA MGA LIHAM/GAWA NG MGA APOSTOLESTagabasa: Ang pagbasa mula sa , kabanata ,sa mga talatang hanggang . Ang Salita ng Diyos.Komunidad: Salamat sa Diyos. ANG PAGDAKILA SA EBANGHELYOAng lahat ay magsitayo hanggang matapos ang pagbabasa ng aralin saebanghelyo.(awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia,alleluia, alleluia. ANG ARALIN SA EBANGHELYOPastor: Sumainyo ang Panginoon.Komunidad: At sumaiyo rin.Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San .Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon.Pastor: (Basahin ng malinaw ang aralin). Ang Mabuting Balita ng Panginoon.DALIT NA AWITSa diwang ito, ang koro ay maaring mag-alay ng awit o isang natatanging alayna awit na aawitin ng komunidad.SERMON PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYANasa discretion ng pastor kung idaos ang Banal na Komunyon, at kung idaos itomainam na gagawin sa mga bahaging ito ng pagsamba.PAGTATAPOSIMNO ANG PANGWAKAS NA PANALANGIN BENDISYON TATLONG AMEN 6 Page

MGA PAGPIPILIANG TAWAG SA PAGSAMBA1. TAWAG SA PAGSAMBATagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.Lahat: Amen.Tagapanguna: Mga kapatid, nagkakatipon-tipon tayo rito upang parangalanang alaala ng ating yumaong kapatid, kaibigan, at kasamahang si. Ang hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos aytumatagos kahit sa pinakamalayong sulok ng mundo. Naranasan ng atingmga ninuno ang mapagpalayang pagkilos ng Diyos, at patuloy niya itongginagawa hanggang sa kasalukuyan. Pinahahalagahan Niya ang lahat ngkanyang mga nilikha. Ang kanyang pagkalinga ay nais iparanas sa atin noonpa man, ngayon at sa susunod pang kapanahunan.Komunidad: Purihin ang Panginoon!2. TAWAG SA PAGSAMBATagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.Lahat: Amen.Tagapanguna: “Hanapin si Yahweh, samantalang siya‟y iyong makikita,Siya ay tawagin habang malapit pa. Ang mga gawain ng taong masama‟ydapat nang talikdan, at ang mga liko‟y dapat magbago na ng maling isipan;Sila‟y manumbalik, Lumapit kay Yahweh upang kahabagan. At mula saDiyos, Matatamo nila ang kapatawaran.” (Isaias 55:6-7).Kapatiran: Sa Diyos ang papuri!3. TAWAG SA PAGSAMBATagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.Lahat: Amen.Tagapanguna: Sinabi ni Jesus, ako ang pagkabuhay na mag-uli at angbuhay; ang sumasampalataya sa akin, kahit patay ay muling mabubuhay atsinumang nabubuhay at nananampalataya sa akin ay hindi mamamataymagpakailanman.Komunidad: Sa kanyang mga sinabi, ang Diyos ay papurihan!4. TAWAG SA PAGSAMBATagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.Lahat: Amen.Tagapanguna: Sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Colosas, kabanatatatlo sa unang talata sinasabi, “Binuhay kayong muli, kasama ni Cristo,kaya‟t ang pagsumikatan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit nakinaroroonan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos.”7 Page

Kapatiran: At ang paglilingkod sa kanya ng tapat ay isang malakingkapahayagan ng pagpupuri.Tagapanguna: Aleluya!5. TAWAG SA PAGSAMBATagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.Lahat: Amen.Tagapanguna: Halina at sama-sama nating sambahin ang Diyos na maypag-alaala sa Kanyang mabuting kaloob. Ihayag natin ang Kanyangkatapatan na nagsisilbing kaaliwan ng ating mga kalungkutan atkabalisahan.Komunidad: Purihin natin ang dakila niyang pangalan.6. TAWAG SA PAGSAMBATagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.Lahat: Amen.Tagapanguna: Halina at sama-sama nating sambahin ang Diyos na maypag-alaala sa Kanyang mabuting kaloob. Ihayag natin ang Kanyangkatapatan na nagsisilbing kaaliwan ng ating mga kalungkutan atkabalisahan.Komunidad: Purihin natin ang dakila niyang pangalan.7. TAWAG SA PAGSAMBATagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.Lahat: Amen.Tagapanguna: Halina‟t sambahin ang Diyos na manlilikha.Lahat: Ating purihin ang Diyos na patuloy na nakikilala sa kanyang gawangpaglikha at pagliligtas sa kasaysayan.8. TAWAG SA PAGSAMBATagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.Lahat: Amen.Tagapanguna: Ang Kanyang pag-ibig ang mananahan na Syang patuloy namag-uugnay bagama‟t tayo‟y magkakahiwalay. Purihin ang Kanyang ngalan.9. TAWAG SA PAGSAMBATagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.Lahat: Amen.Tagapanguna: Ang Panginoon ang ating Pastor, ang kanyang mga tungkodat pamalo ang siya nating gabay patungo sa kanyang pastulan, ang8 Page

pastulang laan sa kanyang mga hinirang na walang iba kundi tayo nakanyang mga anak.Kapatiran: Sa Diyos ang papuri!10. TAWAG SA PAGSAMBATagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.Lahat: Amen.Tagapanguna: Tayo ay ngayon nagtitipon upang papurihan ang Diyos atpasalamatan na may pag-alaala sa kanyang mabuting kaloob. Mahayagnatin ang kaniyang katapatan na nagsisilbing kaaliwan sa ating mgakalungkutan at kabalisahan. Purihin natin ang dakila Niyang Pangalan atmakisaliw sa walang katapusang himno ng kagalakan at tagumpay.Kapatiran: Purihin natin ang makapangyarihang Diyos na nagkakaloob saatin ng biyaya at kapayapaan. Nagkaloob sa atin ng matitimyas nakaranasan sa piling ng ating mga mahal sa buhay noong sila ay nabubuhaypa, at kasa-kasama pa natin ng mukhaan.Tagapanguna: Ang Pangi

sinalubong na ako ng sunod-sunod na “funeral, burial and memorial services”. Ilan ding sermon at liturhiya ang ipinaghanda maliban sa regular na gawain ng iglesya. Sa mga panahong gaya nito, malimit ang mga kagaya kong nagsisimula pa lamang noon sa ministeryo ay nalilito at naguguluhan. Ito ay hindi biro. Bagama‟t napakasimple, tradisyunal na masasabi ang daloy ay mainam na upang .