GAWAIN NG PAMAHALAAN: I TUGON SA

Transcription

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)Distance Education for Elementary SchoolsSELF-INSTRUCTIONAL MATERIALSHEKASI6GAWAIN NG PAMAHALAAN:TUGON SA PANGANGAILANGANNG MAMAMAYANDepartment of EducationBUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION2nd Floor Bonifacio BuildingDepEd Complex, Meralco AvenuePasig City

Revised 2010by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),DepEd - Division of Negros Occidentalunder the Strengthening the Implementation of Basic Educationin Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:“No copyright shall subsist in any work of theGovernment of the Republic of the Philippines. However,prior approval of the government agency or office whereinthe work is created shall be necessary for exploitation ofsuch work for profit.”This material was originally produced by the Bureau of ElementaryEducation of the Department of Education, Republic of the Philippines.This edition has been revised with permission for online distributionthrough the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supportedby AusAID.

GRADE VIGAWAIN NG PAMAHALAAN:TUGON SA PANGANGAILANGAN NG MAMAMAYANALAMIN MOAno ang nakikita mo sa larawan?Anu-ano ang ginagawa ng mga taong nasa larawan?Magiging maayos ba ang pamumuhay ng mga Pilipino kung palagingganito ang pamamalakad ng pamahalaan para sa mga mamamayan?Sa modyul na ito malalaman mo na ang mga tuntunin at gawaingpinaglilingkuran ng pamahalaan para sa taong bayan.1

PAGBALIK-ARALAN MOSa nakaraang leksyon natutunan mo ang kahalagahan ng Pamahalaan.Susubukan ko ang iyong kakayahan sa iyong mga napag-aralan sa pagsagot ngmga sumusunod na katanungan.Basahin mo ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.1. Ano ang dapat gawin upang umunlad ang ating bansa?a. maging mapagmatyagb. maging masipagc. maging mareklamod. maging palautang2. Bakit tayo may Hukbong Sandatahan ng Pilipinas?a. upang mangalaga sa mga “drug lords”b. upang mangalaga sa katahimikan at kaayusan ng buong bansac. upang mangalaga sa kalusugan ng taod. upang mangalaga sa transportasyon ng bansa3. Bakit may ugnayang diplomatiko tayo sa ibang bansa?a. upang hindi nila tayo sakupinb. upang maging tahimik sa ating bansac. upang magkaroon tayo ng pakikipagkasunduan sa larangangpangkabuhayan, pampulitika at pangkapayapaand. upang mapahina ang kabuhayan ng bansa4. Bakit kailangang ipatupad ng pamahalaan ang mga batas sa paggawa?a. upang magkaroon ng trabaho lahat ng mga taob. upang maging tama ang ginagawa ng mga taoc. upang magtalo-talo ang mga taod. upang mapangalagaan ang mga karapatan sa trabaho ng mgatao5. Alin sa mga sumusunod ang di naibibigay na kabutihan ng mga batas sapaggawa?a. naibibigay ang minimum wage ng mga manggagawab. mapangalagaan ang kanilang benepisyo sa SSS o GSISc. nabibigyan ng benepisyong makapag-abroad nang madalasd. napangangalagaan ang kanilang oras at takdang bilang ng mgapaglilingkod at pagtatrabaho2

PAG-ARALAN gBatasBatas(Legislatibo) (Hudikatura)Kagalingang PanlipunanKagalingang PanlipunanIpinakikita sa dayagram na ito ang mga pangunahin at iba’t-ibang gawainng pamahalaan.Ang tatlong ito ay kumakatawan sa tatlong sangay ng pamahalaan namapag-aaralan ninyo sa mga susunod na mga aralin. Ang ilan pang gawain naiyong nakikita sa dayagram ay ang mas tiyak na serbisyo na ipinakakaloob ngpamahalaan sa mga mamamayan.Tingnan at pag-aralan ang talaan.3

Ahensya ng Pamahalaan at mga Gawain NitoAhensiyaAkronimMga Gawain/HalimbawaKagawaran ng EdukasyonDepEdKagawaran ng TanggulangBansaDNDPagbibigay ng edukasyon sa mgakabataan mula elementaryahanggang haiskul.Halimbawa: PampublikongPaaralan, Paaralang Elementarya ngMakati, Mataas na PaaralangTandang SoraPangangalaga ng kaligtasan ngbansa laban sa terrorismo, panlabasat panloob na banta/smuggling.Kagawaran ng KatarunganDOJPagprotekta sa karapatan ng bawatisa sa lipunanHalimbawa: pagsasampa ng kasolaban sa mga tiwaling opisyal nggobyerno.Kagawaran ng KalusuganDOHPangangalaga sa kalusugan ngbawat isa sa lipunan.Halimbawa: pagkakaroon ngsentrong pangkalusugan atpampublikong ospital.Kagawaran ng Kapaligiranat Likas na YamanDENRPagsagip para sa kaligtasan atpreserbasyon ng kalikasan.Halimbawa: pagtatanim ngpunongkahoy, pagbabawal sapagputol ng punongkahoy nangwalang permit pagbabawal sapangunguha o panghuhuli sa mgapapaubos nang lahi ng mga hayop.Kagawaran ng GawaingPampubliko at mgaLansanganDPWHPaggawa, pagkukumpuni atpreserbasyon ng mga pampublikongestraktura tulad ng kalsada, tulay,gusali, irigasyon.Halimbawa: pagkakaroon ngpanlabas na tanggapang panginhenyerya, upang mapabilis angpagtugon sa anumangpangangailangan.4

Kagawaran ng Paggawa atEmpleoDOLEPagbibigay ng pagkakatao sapagtatrabaho sa loob at labas ngbansa at pagprotekta sa karapatanng bawat manggagawa.Halimbawa: pakikipag-ugnayan saiba’t-ibang ahensya pribado man opampubliko na may kinalaman sapaggawa sa local, nasyonal o pangibayong dagat.PAGSANAYAN MOBasahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ano ang layunin ng ating pamahalaan para sa mamamayang Pilipino?a. para sa ating kabutihan at kaunlaranb. para maging bahagi tayo ng kanilang gawainc. upang matiwasay at payapa ang ating bansad. upang magkaroon tayo ng sapat na kabuhayan2. Agad na sinusuri ng kaukulang ahensya ang mga dayuhang mandaragatna natatanaw na nangingisda sa loob ng hangganan ng teritoryo ngPilipinas.a. seguridadb. kagalingang panlipunanc. kabutihang pampamilyad. kaunlarang pang-ekonomiya3. Pinapatnubayan at sinusuri ng pamahalaan ang kalagayan ng pagtaas ngdolyar upang hindi ito gaanong maka-epekto sa ating kabuhayan.a. kagalingang panlipunanb. katarungan panlipunanc. kabutihang pangkalusugand. kaunlarang pang-ekonomiya4. Marami nang naitayong mga pampublikong pagamutan at paaralan sabansa.a. seguridadb. katarungang panlipunanc. kagalingang panlipunand. kaayusang pangkapayapaan5

5. Anu-ano ang nagtutulungan upang lubos na matugunan ang ating mgapangangailangan?a. mga ospitalb. mga tindahanc. mga pamilihan at paaraland. mga ahesiya ng pamahalaanTANDAAN MOMaraming paraang ginawa ang pamahalaan para sa kabuhayan atkaligtasan ng tao sa bansaNagkaroon ng ahensiya ng pamahalaan upang makatiyak sa serbisyo nitosa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.ISAPUSO MOSa mga programang inilaan ng pamahalaan para sa kapakanan ng bayanat sa mga ahensiyang tumutulong sa pagtugon sa pangangailangan ngmamamayan dapat tayong magtulungan at makiisa upang matamasa angkaunlaran at kapayapaan ng bansa.GAWIN MOBasahin ang talata sa loob ng kahon. Sagutin ang tanong pagkataposnito.Gawain ng pamahalaan gumawa ng batas, magpatupad ng batas atbigyan ng pagpapakahulugan ito. Hindi lamang ito ang dapat gampanan ngpamahalaan. Binibigyan pansin din nito ang iba pang gawain na ang ilan ayiniatas pa ng Saligang Batas. Halimbawa nito ay gawaing panseguridad,kaayusang panlipunan at pang-ekonomiya at katarungang panlipunan.6

Sa panseguridad sinisikap ng pamahalaan na ang bawat mamamayannito ay ligtas sa anumang kapahamakan. Tinutulungan ng pamahalaan angpangangailangan ng mamamayang katulad ng nasalanta ng mga kalamidad,bagyo, pagbaha, lindol at pagputok ng bulkan at iba pang sakunang dulot ngkalikasan at gawa ng tao.Sa kagalingang panlipunan, may pabahay na inaalok ang pamahalaan saabot kayang halaga para sa mga iskwater sa kalunsuran. Ang proyektongpangkabuhayan ang nauuna sa mga listahan upang makapagtrabaho nangmaayos sa pamilya at sa bansa.Sa katarungang panlipunan may programa ang pamahalaan upangmabigyan ng proteksyon ang karapatan ng biktima at akusado. Ang isanghalimbawa nito ay ang Witness Protection/Department of Justice na nagbigayseguridad sa mamamayang testigo laban sa akusado sa pagkakasalangcriminal.Anong serbisyo ang ipinakita ng pamahalaan para sa panseguridad ngbansa natin?Anu-ano ang mga kagalingang panlipunan ang ginagawa na mga ito?Ano naman ang katarungang panlipunan? Malaki ba ang naitulong nito sabansa?PAGTATAYAIsulat ang ahensiyang tumutugon sa mga pangangailangan ng mgasumusunod na sitwasyon: Piliin ang ahensiya sa kahon sa ibaba.1. Ibig makapag-aral ni Bino na isang matalinong mag-aaral sa kolehiyongunit walang maitustos ang kanyang pamilya.2. Suliranin ni Mang Jose ang lubhang pagkatuyong kanyang mga pananim.3. Pinangangalagaan nito ang maayos at wastong paggamit ng ating likas nayaman.7

4. Tinutulungan nito ang mga manggagawa ukol sa wastong pamamalakadng kani-kanilang pinagtatrabahuhan.5. Nag-uutos sa mga pagamutang pampubliko na magbigay ng librenggamut, bakuna at payo sa mahihirap.Kagawaran ng EdukasyonKagawaran ng Tanggulang BansaKagawaran ng KatarunganKagawaran ng KalusuganKagawaran ng Kapaligiran at Likasna YamanKagawaran ng GawaingPampubliko at PanlansanganKagawaran ng Paggawa at PageempleoPAGPAPAYAMANG GAWAINGumawa ng pananalisik. Alamin ang napapanahong programa nainilunsad ng pamahalaan sa pamamagittan ng mga ahesiya nito. Maaringgumawa ng poster at kulayan ito.Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.8

Susi sa Pagwawasto1.2.3.4.5.DepEd - Kagawaran ng EdukasyonDENR - Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na YamanDENR - Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na YamanDOL - Kagawaran ng Paggawa at Pag-eempleoDOH - Kagawaran ng Kalusugan9

c. upang mangalaga sa kalusugan ng tao d. upang mangalaga sa transportasyon ng bansa 3. Bakit may ugnayang diplomatiko tayo sa ibang bansa? a. upang hindi nila tayo sakupin b. upang maging tahimik sa ating bansa c. upang magkaroon tayo ng pakikipagkasunduan sa